|
Kay Sarap Muling Maging Bata Sa Fun Ranch by Abi Lam-Parayno for pinoy-everything.com |
Nang maimbitahan ang aking mag-anak sa isang children’s party sa Fun Ranch, mas excited pa yata akong um-attend kesa sa anak kong 10 months old nang panahong iyon. Paano ba naman, lagi naming nadadaanan ang Fun Ranch kapag binabaybay namin ang Ortigas pero wala kaming pagkakataong tumigil muna dito. Kaya naman hindi ko pinalampas ang invitation. Kasama ang aking asawa at anak ay dumalo kami sa party. Sinadya naming agahan ang punta upang malibot muna namin ang lugar na ito. Bungad na bungad pa lang, alam mong worth na ang pagpunta. Maganda ang design ng façade at very inviting.